mga kwentong puso ni Bob Ong at ni Lowiewin!
Nakakatuwa si Bob Ong, masydo kong nahihilig sa kanya, sobrang realistic kc ng mga works nya. at heto nanaman ang mga sample na banat nya, syepmre through my sis in law na mas adik sa kanya.
try ko magcomment, sana kayanin ko. haha!
enjoy!
1. “Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.”
- oo nga naman.. nang aano ka e! wag ng pacute masyado, pwera na lang kung me balak kng mahalin sya..
2. “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”
- ay naku naman si Pareng Bob! Pano kung madulas ng kamay mo, at di mo sinasadyang bitiwan??
3. “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”
- yun na nga ulet, kulet..
4. “Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”
- ahh.. oo nga, kasi kahit dalawa ang kamay mo, dun ka lang pede magconcentrate sa isa, kaya pede mo talaga mabitawan yun isa.. hay..
5. “Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”
- hmmm.. oo nga naman! wag magpilit isiksik ang sarili kung ayaw! hmmp!
6. “Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.”
- haha! sunggaban mo na pag me chance!
7. “Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”
- wag ipilit bka mapunit!
8. “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”
- what’s the point of staying ika nga! aalis ka rin nman, agahan mo na, baka matraffic ka pa..
9. “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”
- kurekek! parang teks lang, wag itaya lahat, laging me cha, para madaling makakwits!
10. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”
- hmmm.. make sense ano ha?? kaya nga me salitang “greater than” at “mas”..
11. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”
- ounch aman!! masama ba makipag friend!!?? –guilty?? hahah!
12. “Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima , sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.”
- uu nga, humanap ka ng panget at ibigin mong tunay! hehe, ang panget ay para sa maganda/pogi sbi ni aimee. hehe
13. “Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”
- ow my gas! im so aware of this one, letse napapaenglesh ako! (1) God (2) family (3) work (4)barkada (5) ako na to!! yehey! pag minalas malas baka pang(6) (7) (8) ka pa.. hahaha!
14. “Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.”
- parang 13 lang oh!!! hahaha, ang sabi ng nanay ko, di madaling mabuhay ang pangkaraniwan na tao kung di complete meal everyday, marunong bumalanse -breakfast-lunch-dinner, kung kulang ang isa, manghihina ka! di nyo nagets?? sa kin na lang yun! haha!
15. “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”
- kung ang taong tinalikuran mo na e mahal na mahal mo pa, at hindi mo magawang magmahal ng iba khit anong brand ng alak ang inumin mo?? malamng kailangan mo nga libutin ang mundo.
16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.”
- oo naman, walang nagtagumpay ng natutulog at naghihilik lang sa bahay! nsa Diyos ang awa nsa tao ang gawa.. bleh!
17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan.”
- kung makitid ang utak mo, lalo na! madalas ang katotohanan nagtatago at ayaw magpahanap, me pagka abnormal din tulad mo. try mo tingnan sa ilalalim ng unan, baka dun mo lang tinago! hihi
18. “Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng
nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”
- oo nga! ang haba! ang hirap idepensa ha.. baka naman ang mga kuko mo ang me sala, maglinis ka kc minsan o khit mag gupit man lang! hahahah!
19. “Ang pag-ibig parang imburnal…nakakata kot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka..”
- hindi lahat ng pangyayari sa buhay mo e aksidente at kailangan isisi sa iba, kadalasan dahil sa sarili mong kagagawan! isa kang looser yaya.. pero oki lang, habang me buhay me pag asa, walang gamot sa tanga pero pede bawasan! pramit!