sands of boracay daw..
January 14, 2009
· Filed under Uncategorized
"its like the sands of boracay, so many times it had
been broked thats how fine the broken pieces is"
-wewel
--> huwaw!! di ko akalain na me tao pa pala na mas
matindi ang definition ng love kesa sa kin! hehe! ang
saya! me kapitbahay ang masasakitin kong puso.
nainggit ako sa blog nya, ang ganda, halatang
pinagpuyatan! haha! wala naman akong talent sa
designs.. hmm... back to the topic. bakit nga kaya me
mga taong less fortunate sa larangan ng pag-ibig..
ayan, pag ibig nanaman! e ano pa nga ba? hindi naman
siguro palaging ganun, kaso mo sadyang nasanay lang
siguro mag paapi yun puso nila (oo na, namin pala!).
"i'm a giver not a taker", mapag bigay, mapag
pasensya, malawak ang pang unawa.. -->lahat yan
asssociated sa salitang giver, pero meron pang isa,
matiisin! matiisin sa sakit,, waaaahh.. yun bang
tipong galing galingan, "im setting you free.." na mga
kachurvahan!
Hindi kc nagtapang tapangan, ayan.. " I have to give u
up.." , sabay talikod, iyak madami! di naman nya
nakita. mahal mo pa/mahal ka pa nya, pero di na kayo
pede? oo nga naman, e hindi na nga naman pede, bakit
ba pipilitin? e pano malalaman na di na pede? malay ko!
nararamdaman na lang yun, pag gabi gabi ka na umiiyak ng
walang dahilan, ar tulala kahit sa harap ng pinaka matsalap
na luto ng nanay mo, or "bayad po" instead of "para po" ang
sinsabi mo sa manong driver. Nkakatawa ano?? Alam mong
nagmamahal pa yun puso mo pero alam mo din na hindi na kayo
pede.. Bakit pa nga naman magtatapang tapangan??
Yun na!